Promote Labor Standards

Monday, November 9, 2015

Poe: DNA testing sa 2 indibidwal, negatibo | DZMM - ABS-CBN

Poe: DNA testing sa 2 indibidwal, negatibo | DZMM - ABS-CBN



Ito ang resulta ng DNA testing na isinagawa ng kampo ni Grace Poe sa kanilang pagsusubok na mahanap ang tunay na pamilya nito at mapatunayang tunay siyang Pilipino.



Matatandaang naging isyu ang pagka-Pilipino nito dahil isa itong foundling na inampon nina Fernando Poe Jr. at Susan Roces.



Sa eksklusibong panayam ng DZMM kay Grace Poe, inamin nito na hindi nagtugma ang DNA niya sa dalawang na-test nila.



"Hindi lamang isang tao ang kinunan dito pero aaminin ko sa inyo, 'yung aming mga nakuha na, hindi po nagtugma ang aming DNA."



Tumanggi naman itong banggitin kung sino ang dalawang kinuhaan ng DNA.



"'Di ko pwede banggitin sapagkat ito'y mga pribadong mamamayan at hindi nga nag-match."



Gayunpaman, naninindigan si Poe na kahit hindi man nag-match ang DNA nila, hindi lang ito ang depensa nila.



"Nakakalungkot din sapagkat matagal ko na rin inaasam na malaman na rin ang katotohanan sa mismong pagkatao ng aking kapamilya at kadugo. Gayunman, hindi naman ako nawawalang ng lakas ng loob dito sapagkat ang aming tinatayang legal na basehan ay hindi lang naman sa DNA nakasalalay."



"Hindi po dapat nakabase sa isang DNA lamang ang pagtagumpay ng kasong ito sapagkat ilang libong mga bata ang mawawalan ng citizenship 'pag ako ay na-disqualify dahil ako'y isang foundling," banggit pa ni Poe.



Giit pa niya, "ako po'y Pilipino, ako'y ipinanganak dito sa ating bansa, ako po'y lumaki dito sa ating bansa at pinag-aral ng aking mga magulang dito at hindi lang dito lumaki, ngayo'y naninilbihan sa ating bansa. Wala akong duda sa aking puso sa aking isip, ako po ay Pilipino."



Mensahe naman niya sa mga Pilipino, "Huwag lang ninyo akong isipin sa kasong ito, marahil ay galit kayo sa akin, marahil ay ayaw ninyo, hindi ako karapat-dapat, okay lang. Huwag ninyo akong iboto 'pag tumakbo ako, pero huwag ninyong gamitin ang kasong ito para lamang ma-disqualify ako dahil ito ay karapatan ng tao na mamili."

Source: DNA testing sa 2 indibidwal, negatibo



Subscribe to Biztalk and Jobs via Email

Become a fan Biztalk and Jobs in Facebook

Follow me on Twitter

Blog Links:

Health and Wellness

The Leader

ACTRESS @ CELEBRITIES PHOTOS

Young and Adult Sexual Reprouctive Health

Organic Farming
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...